-- Advertisements --
Inatasan ni Iraqi Prime Minister Mustafa al-Kadhimi ang mga otoridad na kumpletuhin ang imbestigasyon sa loob ng limang araw ang naganap na pagsabog sa Baghdad hospital na ikinasawi ng 82 pasyente.
Kasabay din nito sinuspendi ng Prime minister ang kanilang health minister na si Hassan al Tamimi at Baghdad Governor Mohammed al-Atta.
Kasama ang dalawa sa iimbestigahan sa naganap na pagsabog.
Bibigyan din ng gobyerno ng tig-$6,800 o mahigit P340,000 ang mga pamilya ng mga nasawi at nasugatang biktima.
Magugunitang nasa 82 katao ang patay at 110 ang sugatan sa pagsabog sa Ibn al-Khabib Hosptial sa Baghdad.
Sinasabing nagsimula ang sunog ng sumabog ang oxygen tank.
Kasamang nasawi ang ilang COVID-19 victims na nasa pagamutan.