-- Advertisements --

NAGA CITY- Tahasang sinabi ng mismong kapitan sa Brgy. Potot Libmanan Camarines Sur na may nangyayaring iregulirad sa likod ng naitalang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kapitan Vener Velardo, ng naturang barangay, sinabi nito na may lumapit umano sa kaniya upang magreklamo hinggil sa nasabing isyu.

Ayon sa nakuha nitong impormasyon, dalawang baboy lamang ang pinapadala sa isang slaughterhouse para katayin ngunit ang ibang nanghihina ng mga baboy ay kinakatay sa mismong piggery at pagkatapos ay idedeliver para ipalaman sa tinapay.

Dagdag pa nito, tinatakpan lamang aniya ng tinapay ang mga idedeliver na karne upang hindi makita kung dadaan sa mga checkpoints.

Sa ngayon, nagpapatuloy na rin ang imbestigasyon hinggil sa naturang usapin.