NAGA CITY – Pasok ang Ireland-based Filipino teen vocalist group na “The Brightlights” para sa Junior Group Division sa 24th Annual World Championships of Performing Arts (WCOPA) sa Anaheim, California upang irepresenta ang Ireland.
Sa ipinadalang impormasyon sa Bombo Radyo Naga ni Consulate Director for Marketing and Communication, Vanda Brady ng Philippine Honorary Consulate ng naturang bansa, napag-alaman na ang naturang International meet ay ang official “Talent Olympics” para sa mga aspiring performers and entertainers kung saan isinasagawa ito taon-taon sa entertainment capital ng mundo.
Ayon dito, ang “The Brightlights” ay isang dynamic ensemble ng four vocal talents na mayroong kaniya-kaniyang talento sa iba’t-ibang genre na kinabibilangan nina Marby Lynn Arriola, 17; Gwenaelle Noval, 16; Joshua Regala, 15; at si Fiona Cassandra Vargas, 13-anyos.
Nabatid din na ang naturang grupo ang unang Filipino band sa Ireland na nag-perform at nakapag-sold-out ng concert sa Dublin noong November 2019 at naparangalan ng 2018 Role Models for the Social Inclusion Week ng South Dublin Council kung saan sila ay nagtanghal at nakatanggap ng mga papuri mula sa Dublin City Council Social Inclusion Committee.
Sa ngayon, ang mga batang prize-winners at title-holders ay kasalukuyang nasa propesyonal na pangangalaga ng dating vocal prodigy na si Melissa Ferraren, isang Pinay na may-ari ng MelGMedia Events and Productions.