-- Advertisements --

Pansamantalang itinigil ng Ireland ang paggamit ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.

Kasunod ito ng ulat na mayroong ilang insidenten ng pagkakaroon ng blood clots sa mga naturukan ng bakuna.

Ayon kasi sa Norweigan Medicine Agency na mayroong apat na bagong kaso ng blood clotting ang naitala matapos ang pagpapabakuna.

Dahil sa insidente ay nagpasya ang Irish National Immunization Advisory council na pansamantalang itigil ang paggamit bilang pag-iingat.

Ang nasabing bansa ay siyang pinakahuling bansa na nagsuspendi ng paggamit ng nasabing bakuna.

Umaabot na kasi sa mahigit 110,000 doses ng AstraZeneca ang naiturok na sa ilang residente ng Ireland.