-- Advertisements --

Nagpatupad ng anim na linggong lockdown ang Ireland para mapigil ang pagkalat ng coronavirus.

Dahil dito ay ang Ireland ang siyang unang bansa na sa European country na nagpatupad ng nasabing nationwide lockdown.

Sa halos 5 milyon populasyon ng Ireland ay mayroong naitalang mahigit 53,000 ang kumpirmadong kaso at halos 2,000 na ang nasawi.

Magtatapos ang nasabing lockdown hanggang Disyembre 1.

Nakasaad sa nasabing kautusan ang pagbabawal sa mga residente na lumabas sa kanilang kabahayan at maaari lamang silang mag-ehersisyo sa loob ng 3-mile radius.

Magiging sarado naman lahat ang mga non essential retail establishiments kabilang ang mga barbershops at mga parlorshops.