-- Advertisements --

Nagpatupad ng paghihigpit ang Ireland sa para tuluyang labanan ang pagkalat ng Omicron coronavirus variant.

Ayon sa National Public Health Emergency Team na lahat ng mga sinehan, bars at kahalintulad nito ay isasar ng alas-otso ng gabi mula sa unang napagkasunduan na ala-singko ng hapon.

Ayon kay Taoiseach Micheál Martin o ang kanilang Prime Minister na ang Omicron ay siang malakng banta sa kanilang bansa.

Halos karamihan sa mga bagong kaso na naitala sa kanilang bansa ay dahil sa Omicron.

Ilan sa mga paghihigpit ay ang paglimita sa 50 percent ang bilang ng mga manood sa mga sporting events, hanggang 100 bisita lamang ang papayagan sa mga kasal at ito ay dapat matatapos ng 12 ng hating gabi.

Lahat ng mga hindi nabigyan ng booster ay pagbabawalan na makalabas ng 10 araw.