-- Advertisements --

Nilimitahan ng Ireland ang mga pinapasok sa mga bar at restaurants.

Ayon kay Prime Minister Michael Martin na tanging mga nabakunahan ng COVID-19 at mga gumaling sa COVID-19 ay siyang papayagang makapasok sa mga bars.

Ang nasabing hakbang aniya ay bilang pag-iingat nila laban sa pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.

Pansamantala rin muna nila hindi binuksan ang indoor dining hanggang maisayos ang bagong vaccine certification system.

Umaabot na kasi sa 16 buwan na nakasara ang mga bars at restaurant kaya nakaisip sila ng hakbang sa muling pagbubukas ng nasabing mga restaurants at bar.