-- Advertisements --

Pumanaw na si Irish boxer John Cooney matapos na magtamo ng injury sa utak.

Ayon sa promoter nito na si Mark Dunlop, na hindi na nakayanan pa ng 28-anyos na boksingero ang matinding pinsala sa utak isang linggo matapos ang laban niya.

Nitong Pebrero 1 kasi ng idinepensa ni Cooney ang kaniyang Celtic super-featherwieght title laban kay Welshman Nathan Howells sa Ulster Hall sa Belfast.

Nahinto ang laban sa ika-siyam na round matapos na siya ay bumagsak.

Dinala siya sa Royal Victoria Hospital kung saan sumailalim pa siya ng operasyon sa utak dahil sa intracranial haemorrhage.

Nagpaabot naman ng mga pakikiramay ang ilang mga kapwa boksingero nito matapos na mabalitaan ang insidente.