Nagtapos bilang pang-13 sa isang fencing tournament sa France ang lead vocalist ng legendary heavy metal band na Iron Maiden na si Bruce Dickinson.
Mula pa kasi noong bata ito ay paborito na niya ang sports na fencing kaya naging masaya na ito ng maging pang-13 sa kabuuang 31 na manlalaro sa veterans category ng Circuit Europeen 2025.
Tinalo siya ni dating Olympic gold medalist Pascal Jolyot.
Ang 66-anyos na singer ay dating nagsasanay sa British Olympic fencing squad noong 1980.
Bukod sa kasi sa pagkanta ay may sarili itong pagawaan ng beer at naging piloto din ito na nakapaglipad ng commercial flight ng 7,500 na oras.
Isa lamang si Dickinson sa mga singer na nahihilig sa sports gaya ng Latin artist na si Julio Iglesia na naglaro ng soccer sa Real Madrid at singer na si Jack Johnson na naging pinakabatang invitee sa finals ng Pipeline Masters surfing tournament sa Hawaii sa edad na 17.