-- Advertisements --

PBBMBIDEN1

Muling pinagtibay ni US President Joe Biden ang “ironclad commitment” nito o ang pangako ng Estados Unidos na depensahan ang Pilipinas sa isinagawang bilateral meeting.

Kapwa naniniwala ang dalawang lider na mas tatag ang relasyon ng America at Pilipinas.

Sa naturang pulong, inanunsyo din ni President Joe Biden ang pagpapadala ng Presidential Trade and Investment mission sa bansa para paghusayin pa ang pamumuhunan ng American companies sa innovation economy, clean energy transition, critical minerals sector at food security.

Tinalakay din ng dalawang lider ang tensiyon sa West Philippine Sea, COVID-19 recovery, energy security, at human rights.

Binigyang diin ng US leader na ang “strong partnership” at “deep friendship ng dalawang bansa ang dahilan na hanggang sa ngayon ay nananatiling matatag ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika.

Siniguro din ni Biden ang tulong sa Pilipinas sa pagmitigate sa climate change.

Nagkaroon din ng expanded meeting ang mga cabinet official ng Pangulo kasama ang kanilang US counterparts.

Kabilang sa mga Philippine officials na dumalo sa expanded bilateral meeting ay sina National Security Adviser Eduardo Ano; Defense Secretary Carlito Galvez Jr.; Environment and Natural Resources Secretary Antonia Yulo Loyzaga; Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual; Department of Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy; Justice Secretary Jesus Crisoin Remulla; Migrant Workers Department Secretary Maria Susana “Toots” Ople and Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.