-- Advertisements --

CEBU CITY – Muli na namang isasagawa sa Cebu ngayong araw ng Linggo ang Ironman 70.3, isang international triathlon event.

Ito na ang ikawalong pagkakataon na magiging host venue ang lalawigan sa nasabing aktibidad.

Aabot sa 400 katao ang inaasahang magbibigay seguridad sa lugar na kinabibilangan ng mga tauhan mula sa PNP; Philippine Air Force; at mga barangay peacekeepers sa lungsod ng Lapu-Lapu.

Magbigay naman ng karagdagang tauhan at floating assets ang Maritime, Naval Forces Central at coast guard para sa swimming activity.

Sumasaklaw naman ang paligsahan sa Lapu-Lapu, Mandaue, Cebu at Talisay at magtatapos naman ito sa isang resort na nasa Lapu-Lapu City.