-- Advertisements --
telco4

Inilabas na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) na susundin para sa mas simpleng permit ng mga telecommunication companies sa bansa.

Ito ang magsisilbing guidelines para sa implementasyon ng Executive Order (EO) No. 32 series of 2023 na may pamagat na “Streamlining the Permitting Process for the Construction of Telecommunications and Internet Infrastructure”.

Ayon kay Anti Red Tape Authority(ARTA) Secretary Ernesto Perez, ang naturang guidelines ay magpapasimple sa mga panuntunang dapat sundin ng mga telcos.

Kabilang sa mga mahahalagang salik dito ay ang standard na processing period, akmang assessment fee, at mas limitadong requirement.

Ang magiging tungkulin naman ng ARTA ay siguraduhing walang mga delay sa pagproseso sa mga aplikasyon ng mga telcos para sa government-issued license, kasama na ang mga clearance, permits, certification, at mga authorization.

Magbabantay din ang ARTA sa mga government agencies na hindi agad tumutugon sa mga request o aplikasyon ng mga telcos, kasama na ang mga posibleng hahadlang o mananakot sa mga telcos sa para magawa ang kanilang serbisyo.

Nagsilbing Technical Working Group (TWG) dito ay ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na siyang pinuno ng grupo.

Kabilang sa mga miyembro ay ang ARTA, Department of Public Works and Highways, National Telecommunications Commission at ang Department of the Interior and Local Government.