-- Advertisements --
Nilagdaan na ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang implementing rules and regulations (IRR) ng Expanded Maternity Leave Act.
Ang mga heads ng Department of Labor and Employment (DOLE), Civil Service Commission (CSC), at Social Security System (SSS) ang lumagda sa IRR ng batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero.
Ang naturang batas ay nagbibigay ng 105 day paid maternity leave sa mga ina, na may option pang palawigin ng 30 pang araw pero wala nang bayad.
Sa naunang bersyon ng batas, ang maternity leave na pinapahintulutan ay aabot lamang sa 60 araw para sa normal delivery at 78 days naman para sa cesarean na panganganak.