Lahat ng mga law enforcement agencies sa bansa ay papasakop sa implementor ng Martial Law sa Mindanao.
Ito ang paniniwala ni PNP spokesperson C/Supt. Dionardo Carlos kasunod ng kanilang hinihintay na kopya ng implementing rules and regulations (IRR) ng deklarasyon ng Martial Law.
Ang PNP ay maging katuwang ng AFP sa implementasyon ng batas militar sa Mindanao.
Sinabi ni Carlos na sa ngayon ay nagpupulong na ang ibat ibang Law Enforcement agencies sa pangunguna ng AFP at PNP upang balangkasin ito.
Sa Metro Manila ay mapapansin na walang nabago sa ginagawang mga checkpoint.
Hindi nagbubukas ng mga trunk ng mga sasakyan at hindi pinababa ang mga pasahero ngunit iba umano ang magiging sitwasyon sa Mindanao kung saan may Martial Law.
Si AFP Chief of Staff Lt. Gen. Eduardo Año ang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na implementor ng Martial law sa loob ng 60 araw sa Mindanao.