-- Advertisements --

Inilabas na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang implementing rules para sa batas na work from home.

Magiging epektibo ang nasabing batas 15 araw matapos na ito ay mailathala sa diyaryo.

Sinabi ni DOLE Sec. Silvestre Bello III, nakasaad sa nasabing kasunduan ang hindi pagbaba sa minimum na pamantayan sa paggawa na itinakda ng batas.

Kabilang dito ang tamang pagbabayad at ang minimum na oras na pagtatrabaho, overtime pay at karapatan sa leave benefit, social welfare at seguridad sa trabaho.

Ang nasabing batas ay dapat magkaroon ng kasunduan ang mga employers at empleyado at sundin ang work-from-home scheme.

Nararapat na abisuhan ng mga employers ang DOLE sakaling ipatupad na ang batas.

Magugunitang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas noong Disyembre.