-- Advertisements --

Iniulat ng Local Water Utilities Administration na nakumpleto na noong pang nakaraang taon ang ₱1.045-billion na halaga ng mga proyektong patubig.

Ito ay inaasahang makatutulong sa kabila ng kinakaharap ng bansa na El Niño.

Sa isang pahayag, sinabi ni Local Water Utilities Administration (LWUA) Administrator Vicente Homer Revil , kasama nsa mga natapos na proyekto ay ang walong water supply projects na magbebenepisyo sa karagdagang 95,000 na mga kabahayan sa bansa

Ito ay katumbas ng higit 12% na pagtaas ng household coverage sa Local Water Districts sa Pilipinas

Samantala, nakatutok ngayong taon ang Local Water Utilities Administration sa proyekto para maibsan ang epekto ng El Niño.

Tinututukan rin ang access sa ligtas at murang suplay ng tubig.

Ito’y sa pamamagitan aniya ng mga high-impact project katulad na lamang ng pagpapatakbo ng mga non-operational water districts, bulk water supply, at water treatment facilities.

Ayon pa sa opisyal, ito ay alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matiyak ang water security sa bansa para sa mga mamamayang Pilipino

Kaugnay nito ay pinangangasiwaan naman ng Local Water Utilities Administration ang nasa 533 water districts, sa may 648 na lungsod at bayan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.