-- Advertisements --

Napagbuti ng artificial intelligence (AI) ang irrigation system ng bansa, mula ng sinimulan itong gamitin.

Ayon kay National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eduardo Guillen, nakatulong ang AI para maplano ng maayos ang productivity effort sa pamamagitan ng pagtukoy sa soil distress, kinakailangang intervention, varieties at inputs na kinakailangan, at planting time.

Sa pamamagitan ng AI aniya ay agad natutukoy kung nasaan ang problema at agad itong natutugunan.

Nagiging partikular din aniya ang pagtugon sa mga naturang problema at hindi nagiging pangkalahatan, di tulad ng dating ginagawa o nangyayari sa buong sektor.

Ayon pa kay Guillen, malaking bagay din ang AI para makabuo ng bagong planting calendar at mapalakas pa ang local output ng bansa at nababawasan ang pagkalugi mula sa mga malalakas na bagyo na kadalasang nakaka-apekto sa sektor ng pagsasaka.