-- Advertisements --
Pinatawan ng multang $25,000 si Kyrie Irving at ang koponan nitong Brooklyn Nets dahil sa paglabag sa media rules ng liga.
Mandatory kasi sa mga koponan na makapanayam ng media ang mga manlalaro bago at pagkatapos ng laro ganun din sa ensayo.
Dapat rin aniya na maglaan ang bawat koponan ng araw sa pagsisimula ng training camp sa bawat manlalaro ganun din sa mga general manager at coach.
Tumanggi kasi si Irving na magpaunlak ng panayam sa mga mamamahayag mula ng magsimula ang training camp noong Disyembre 1 at sa halip ay mas pinili pa nitong maglabas na lamang ng statements.