-- Advertisements --
Napili sina Trae Young ng Atlant Hawks at Kyrie Irving ng Dallas Mavericks para pumalit kay Giannis Antetokounmpo at Anthony Davis sa NBA All-Star Game.
Sina Davis at Antetokounmpo kasi ay nagtamo ng injury kaya hindi sila makakapaglaro ng ilang linggo.
Napiling line-up si Young sa ‘Team Chuck’ ni Charles Barkley habang si Irving ay papalitan niya si Davis sa “Team Shaq” ni Shaquielle O’Neal.
Ito na ang pang-apat na All-Star Game ni Young kung saan may average ito na 23.5 points at 11.4 assists kada laro.
Habang si Irving ay mayroong average na 24.1 points kada laro.
Gaganapin ang All-Star Games sa Chase Center sa San Francisco ngayong Pebrero 16.