-- Advertisements --
Binilihan ng bahay ni Brooklyn Nets star Kyrie Irving ang pamilya ng pinaslang na si George Floyd.
Ibinunyag mismo ni dating NBA player Stephen Jackson ang pagbili ng bahay ni Irving.
Labis ang pasasalamat ni Jackson dahil sa patuloy ang pagbuhos ng suporta para sa 7-anyos na anak na babae ni Floyd na si Gianna.
Makailang beses aniyang tinatanong ni Irving ang kalagayan ng pamilya ni Floyd kaya ito ay kaniyang tinulungan.
Magugunitang si Floyd na isang black ay namatay sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis noong nakaraang taon.