Inamin ng Golden State Warriors na kabilang sa sentro ng kanilang gagawing diskarte bukas sa Game 5 ay kung paano epektibong mapipigilan ang pambato ng Cleveland Cavaliers na si Kyrie Irving.
Kung maalala sa panalo ng Cavs sa Game 4 ay bumida si Irving sa kanyang 40 big points.
Dahil dito aminado ang Golden State guard na si Klay Thompson, hindi nila dapat payagan na tumira ng maraming three points si Irving dahil luluwag ang kanilang depensa.
Para naman kay Irving, hindi na bago sa kanya na mapunta ang Cavs sa delikadong sitwasyon.
Kaya naman ibubuhos pa niya ang lahat bukas para mabigyan ng kumpiyansa ang kanyang mga teammates.
“Regardless of any situation, I always feel like if I do a great job of giving confidence in my teammates and remaining calm in the situation,” ani Irving.
Todo papuri naman si LeBron James sa tindi ng pagiging agresibo ng kanyang partner na napakahalaga sa tagumpay ng team.
Habang naghahanda ang Cavs, sinisiguro naman ng two-time MVP na si Stephen Curry na mas magiging agresibo rin siya bukas.
Mas masarap daw namnamin ang kampeonato kung magawa nila ito sa kanilang homecourt at kaharap ang kanilang mga fans.
Pero ayon kay Curry, kailangang magpakita raw ang Warriors ng mas matinding opensa, enerhiya at mala-pader na mga depensa.