Kinumpirma ng Brooklyn Nets na nakabalik na rin ngayong araw sa training camp ng koponan ang kanilang superstar point guard na si Kyrie Irving.
Una rito,inabot na rin ng apat na practice sessions na hindi pa nakakasali si Irving at isang pre-season games dahil sa isyu pa rin ng hindi nito pagpapabakuna.
Aminado naman ang kanilang head coach na si Steve Nash, aasahan na raw nila na hindi rin makakasama sa mga home games si Irving.
Sa ngayon hindi pa nila sigurado kung ilang beses at kelan ito hindi maglalaro.
Kinumpirma rin ni Nash na hindi pa rin makakalaro bukas si Irving sa Philadelphia kung saan makakaharap ng Nets ang 76ers bilang bahagi ng preseason game.
Sa Huwebes ang huling preseason ng Nets sa kanilang home game laban sa Minnesota Timberwolves.
Kung hindi pa rin makakapagbakuna si Irving hindi na rin ito makakapaglaro kahit isang beses sa isang exhibition game.
Sa October 19 na ang muling pagbubukas ng bagong NBA season.