-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Brooklyn Nets sa walo ang kanilang sunod-sunod na panalo matapos na tambakan nila nang husto ang Orlando Magic, 129-92.

Ito na ang pinakamahabang winning streak sa NBA sa kasalukuyan, at pinakamahaba rin mula noong 2005-06 season.

Nagsanib-puwersa para sa Nets sina Kyrie Irving na umiskor ng 27 points at siyam na assists, at si James Harden na tumabo ng 20 points.

Hindi naman nagbunga ang 28 points at 12 rebounds ni Nikola Vucevic para sa Magic.

Mainit ang naging panimula ng Orlando kung saan abanse pa sila ng ilang puntos sa Brooklyn matapos ang unang quarter.

Ngunit naghulog ng 12-2 bomba ang Nets sa kalagitnaan ng second quarter upang itakbon ang 44-38 abanse, at napalawig pa ito kalaunan.