-- Advertisements --

Nagbalik na sa Brooklyn Nets si NBA superstar Kyrie Irving makaraang mawala ng dalawang linggo sa koponan.

Ayon kay Irving, kinailangan lamang daw nito ng pahinga mula umano sa sandamakmak na personal na mga problema.

“Happy to be back. Happy to be around these guys,” wika ni Irving. “We got some great pieces and we just move on and I let my actions and my game speak for itself like I planned on doing. Just needed a pause.”

Sumama na rin ang star point guard sa praktis ng koponan, at inaasahang maglalaro na ito bukas sa pagharap ng Nets sa Cleveland Cavaliers.

Hindi nakapaglaro si Irving sa huling pitong games ng Brooklyn dahil maliban sa isyung personal, napilitan itong sumailalim sa mandatory quarantine makaraang lumabag ito sa health and safety protocols ng NBA.

Kumalat kasi sa social media ang isang video kung saan makikita si Irving na dumalo sa isang family birthday party sa isang private venue na walang suot na face mask.

Kalaunan ay pinatawan ng NBA si Irving ng $50,000 na multa dahil sa naturang paglabag.