-- Advertisements --

Nagmatigas pa rin si NBA superstar Kyrie Irving na hindi pa rin siya magpapabakuna laban sa COVID-19 kahit nag-order na ang management na maging sa practice ay hindi siya palalaruin.

Ayon kay Irving ang kanyang desisyon na hindi magpapabakuna ay dahil sa tingin niya ay ito ang “best” para sa kanya.

Aniya, wala raw siyang pakialam kahit kontrabida pa ang tingin sa kanya ngayon.

Para sa seven-time All-Star player, ang mahalaga umano ay pairalin niya ang kanyang personal na kagustuhan, dahil ito ay kanyang karapatan at kalayaan na magdesisyon.

Giit pa ni Irving, sa ngayon wala naman siyang balak na magretiro pa at umaasa pa rin na makakalaro siya sa kanyang team.

Una nang pinatawan ng malaking multa si Irving ng management ng Nets matapos na hindi makasipot sa training sessions at sa exhibition games.

Sa susunod na linggo ay simula na ng bagong season ng NBA.