-- Advertisements --
Nagmatigas ngayon ang NBA superstar na si Kyrie Irving na hindi pa rin nagbabago ang kanyang paninidigan na hindi magpapabakuna.
Ginawa ni Irving ang pahayag kasunod na rin ng report na aabutin ng mahigit sa isang buwan na mawawala ang kanilang main man na si Kevin Durant dahil sa injury.
Sa ngayon bawal kay Irving na maglaro sa home games dahil sa mahigpit na batas sa New York laban sa mga hindi bakunado.
Iginipait naman ni Irving na hindi magbabago ang kanyang pananaw laban sa pagpapaturok dahil ito ang kanyang paniniwala.
Kung sa tingin daw ng mga fans na isa siya pinakasikat na hindi bakunado, nirerespeto niya ito at sana rin daw igalang din ang kanyang sariling pananaw.