-- Advertisements --
Nagtamo ng injury sa kaniyang mukha si Brooklyn Nets star Kyrie Irving sa panalo ng kaniyang koponan laban sa Los Angeles Lakers 114-111 sa China.
Agad itong inilabas sa court dahil sa injury na nagmula ng mabangga ni Rajon Rondo.
Pinangunahan naman ni Spencer Dinwiddie ang panalo ng Nets na nagtala ng 20 points habang mayroong 18 points si Taurean Prince.
Nasayang naman ang nagawang 20 points ni LeBron James habang 18 points naman kay Rajon Rondo at 16 points kay Anthony Davis.