-- Advertisements --
Kyrie Irving
Kyrie Irving/ IG post

Itinakbo sa pagamutan si Brooklyn Nets guard Kyrie Irving dahil sa injury sa kaliwang mukha nito.

Natamo nito ang injury sa isinasagawang ensayo ng koponan.

Sinabi ni Nets general manager Sean Marks, na aksidenteng nasiko ang mukha nito kaya agad nilang itinakbo ito sa pagamutan.

Umaasa ito na walang gaanong magiging pinsala sa tinamo nitong injury.

Ang 27-anyos na si Irving ay bagong lipat lamang sa Nets kung saan pumirma ito ng apat na taon kontrata na nagkakahalaga ng %136.5 million.

Umaasa ang fans ng Nets kay Irving habang kasalukuyan pang nagpapagaling ang kasamahan nito na si Kevin Durant na kasabay niyang lumipat sa koponan bago magbukas nag bagong season ng NBA.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagtamo ng injury si Irving dahil noong 2012 ay nagtamo ito ng broken jaw bone injury habang ito ay nasa Cleveland Cavaliers pa at noong 2017 noong nasa Boston Celtics na ay nagtamo din ito ng facial bone injury ng ito rin ay masiko.