LAOAG CITY – Patay ang isang indibidual at sugatan naman ang iba pa matapos ang banggaan ng isang motorsiklo at kulong-kulong sa Brgy. Root sa bayan ng Dingras.
Ayon kay Police Captain Norman Pentang, ang Chief of Police ng Philippine National Police sa bayan ng Dingras na base sa inisyal na imbestigasyon ay patungong timog na direksyon ang kulong-kulong at motorsiklong sniper.
Sinabi nito na habang binabagtas ng kulong-kulong ang naturong kalsada ay mayroon umaong nahulog ang isa sa mga sakay nito dahilan para mag-U-turn ang driver nito.
Ngunit sa pagbalik nito ay nakasalubong nila ang motorsiklo dahilan ng banggaan.
Parehong nagtamo ng sugat ang driver ng motorsiklo ay sakay ng kulong-kulong at agad na itinakbo sa Dingras District Hospital.
Ganunpaman, dahil sa pagdurgo matapos magtamo ng sgat sa ulo ang sakay ng kulong-kulong ay namatay ito habang ginagamot habang ang driver ng motorsiklo ay inilipat sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa lungsod ng Batac.
Samantala, nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.