-- Advertisements --

CEBU CITY- Iniimbestigahan na ngayon ng Cebu City Government ang nangyaring disco sa may Sitio Mahayahay, Barangay Calamba lungsod ng Cebu.

Matapos ang nangyaring sinulog sa Barangay San Nicolas nitong nakaraang Sabado, kumalat naman sa social media ang pagsasayaw ng mga residente ng Barangay Calama habang maririnig ang malakas na tugtug kahit pamang sa striktong pag-iimplement ng Enhanced Community Quarantine.

Ayon sa barangay chairman ng naturang lugar na si Kapitan Jojo Quijao sa panayam ng Bombo Radyo Cebu, sinabi nito na ang naturang pagtitipon ang nangyari noong Sabado ng gabi at ginamit umano nito ang sound system ng kanilang kapilya habang nag-iinuman at nagkakainan.

Kaugnay nito sinabi ni Cebu City Legal Officer Atty. Rey Gealon na posibleng mahaharap sa criminal at administrative case ang mga opisyal lalo na’t nakarating na sa opisina ng mayor ang human nga iral video.

Ayon nito na nakikipag-coordinate na ang pamahalaan ng lungsod sa Department of Interior and Local Government (DILG) para sa imbestigasyon sa nangyaring mass gathering.

Samanatala, aabot na sa 5,494 ang natalang kaso ng Covid Cases sa Cebu City. Nadagdag dito ang 353 new cases habang 10 naman ang nakarecover.

Sa kasalukyan 2,602 ang active cases at 2,723 naman ang gumaling na.

Wala namang nadagdag sa natalang 160 death toll.