-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pormal ng iprinisenta kay Surigao del Sur Gov. Alexander ‘Ayec’ Pimentel ang dalawang babaeng nakakita sa isang bloke ng pinaghihinalaang cocaine na sina Inna Lauren Biol at Ruth Ilagan, parehong residente ng Brgy. Valencia sa bayan ng Lingig ng naturang lalawigan.

Nakita ng dalawa ang nasabing kontrabando habang naligo sa dagat sa may Baesan Beach, Sitio Maribojoc, ng Brgy. Valencia kung kaya’t kaagad nila itong ipinaalam sa pulisya.

Tumimbang ito ng isang kilo at tinatayang nagkakahalaga ng P5,000,000.00.

Sa ngayo’y isina-ilalim na sa laboratory examination ang nasabing kontrabando na syang pangalawang nakita matapos ang unang nakitang bloke din ng cocaine sa karagatan ng Tandag City ng natura ring lalawigan.