ILOILO CITY – Patay ang 12 taong gulang na Grade 7 student matapos mag-suicide umano sa isang tulay sa Brgy. Bagacay, Tigbauan, Iloilo.
Ang biktima ay si alyas Toto residente ng nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PSSg. Alfie Alcones, imbestigador ng Tigabuan Muncipal Police Station, sinabi nito na nakita na lamang ang biktima na nakabigti umano sa tulay kung saan gamit nito ang sintas ng sapatos.
Ayon sa tatlong pinsan nito na nakakita kay Toto, may nakita silang pinunit na module malapit sa tulay kung saan nakita ang biktima.
Naniniwala naman ang pamilya ani Alcones na walang foul play na nangyari sa biktima at inihayag na problema umano sa pagsagot sa module ang dahilan kung bakit kinitil ni Toto ang kanyang buhay.
Ngunit sabi naman ni Leonil Salvilla, tagapagsalita ng Department Of Education Schools Division of Iloilo, hindi ito ang panahon sa pagbibintang o kung sino dapat ang managot.
Ayon sa kanya, napaka-importante na mabigyan ng pansin ang mental health ng mga estudyante at maging ang mga guro.