-- Advertisements --

LAOAG CITY – Isa na namang plastic pack ng umano’y shabu ang nakita ng isang mangingisda habang pauwi na mula sa pangingisda nito sa karagatang bahagi ng bayan ng Pasuquin dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Nakilala ang mangingisda na si Mr. Marnie Cariaga, residente sa Barangay Davila sa nasabi ring bayan.

Ayon kay Cariaga, pauwi na sila nung may makita silang barko at nung makalapit sila ay dito na niya nakita ang isang plastic pack na umano’y shabu.

Dahil dito, agad niyang ipinaalam sa kanilang barangay kagawad at siya na a kasama niyang nagreport sa mga otoridad.

Napag-alaman na ang isang plastic pack na umano’y shabu ay may timbang na 997.32 na gramo.

Maalala na ito na ang ikatlong plastic pack na nakita ng mga mangingisda sa karagatang bahagi ng lalawigan.