-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang katao at dalawa ang sugatan sa pananambang nitong gabi ng Linggo sa lalawigan ng Maguindanao Del Norte.
Ang mga biktima ay lulan ng Tamaraw FX at hindi pa tukoy ang pagkakilanlan.
Ayon kay Datu Odin Sinsuat Chief of Police Major Reggie Abellera na tinambangan ang mga biktima ng mga hindi kilalang suspek gamit ang mga matataas na uri ng armas sa bahagi ng Sitio Linamunan Barangay Taviran Datu Odin Sinsuat Maguindanao Del Norte.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek na sakay umano ng SUV at motorsiklo.
Ang dalawang sugatan ay agad dinala sa pagamutan sa lungsod ng Cotabato.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng DOS-PNP sa pananambang sa mga biktima.