-- Advertisements --

Patay ang isang tripulante habang dalawa pa ang nasugatan sa pagsabog sa loob ng barko na nakadaong sa North Harbour Port sa Tondo, Maynila

.Ayon sa pulisya, dead on the spot si Timothy James Lumagui habang ang kanyang dalawang kasamahan na kinilalang sina Lowie Belen at Alfred de Leon, ay nagtamo ng third-degree burn at dinala sa ospital para magamot.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) at Philippine Ports Authority, nangyari ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga sa ikalawang deck ng nakadaong na MV Everwin Star 2 sa Vitas Pier 18.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang posibleng dahilan ng pagsabog isa na rito ay ang pagsabog ng tangke ng LPG sa loob ng barko.

Samantala, sinabi ng MPD at BFP na nananatiling iniimbestigahan ang insidente.