-- Advertisements --

Iniulat ng National Disaster on Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na mayroon nang isang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Marce.

Batay sa inilabas na situational report ng ahensya, patuloy nitong kinukumpirma ang pagkakakilanlan ng biktima at kung saang lugar ito.

Sa datos naman ay patuloy rin ang pagsasagwa ng mga search and rescue operations para duon sa mga nawawalang indibidwal sa Ilocos region.

Patulong ang isinasagawang validation ng NDRRMC ukol naitalang fatality.

Umabot naman sa halos 261,787 na mga indibidwal o katumbas ng 76,622 na mga pamilya ang lubhang naapektuhan ng pinsala ni Marce sa rehiyon ng Cordillera. (BEA PANEZA)