ILOILO CITY – Puspusan pa rin ngayon ang search and retrieval operations ng Philippine Coast Guard (PCG) upang mahanap ang ilan pang missing na mga pasahero ng tatlong bangka na lumubog sa Iloilo Strait.
Ito ay kinabibilangan ng MB Chichi na lulan ang 57 katao, MB Kezia na may apat na crew at pinakahuling tumaob ang MB Jenny Vince sakay naman ang 34 katao noong Sabado ng hapon.
Isa ang Bombo Radyo Philippines sa nabigyan ng pagkakataon na makasakay ng BRP Cape Engaño kung saan ang commanding officer ay si Commander Dennis Rem Labay.
Sa pagsama ng Bombo news team sa search operation, isang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa Iloilo Strait ngunit wala pang identity.
Sa kabila ng masamang panahon, patuloy pa rin ang paghahanap ng limang na missing na mga pasahero.
Sa ngayon pansamantalang itinigil ang biyahe ng mga pumboat via Iloilo Guimaras at vice versa.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Senior Chief Petty Officer Albino Rodriguez, deputy station commander ng Philippine Coast Guard Iloilo, sinabi nito hindi pa papayagan na lumayag ang mga pumpboat o maliliit na vessel.
Ang pinapayagan lang na pumalot ay mga fastcraft at mga barko.
Sa ngayon nasa 28 na ang patay mula sa tumaob na MB ChiChi MB Kezia at MB Jenny Grace mula sa kabuuang 96 na mga pasahero.
Nasa lima pang katao ang pinaghahanap na pawang mga missing.