-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ngayon ni Dr. Cerelyn Pinili, head ng City Veterinary Office (CVO) na may isa pang barangay sa Calinan ang apektado na ng African swine fever (ASF) ang mga alagang baboy.

Sinasabing nagpositibo sa nasabing disease ang blood sample ng baboy na mula sa Barangay Inayangan sa nasabing lugar kung saan nahawa umano ito sa ipinasok na baboy na mula naman sa Barangay Lamanan kung saan naitala ang unang outbreak ng ASF.

Agad namang naglagay ng mga footbath sa lugar upang masiguro na hindi na ito kakalat sa iba pang barangay.

Nagsagawa na rin ngayon ng monitoring ang CVO sa iba pang barangay na sakop ng Calinan para agad na makagawa ang ahensiya ng hakbang.

Sinasabing apektado ang Barangay Inayangan dahil nasa boarder ito ng Barangay Lamanan.

Samantalang sinabi naman ng opisyal na kahit natapos na ang depopulation sa Barangay Dominga at Lamanan, isasailalim pa rin ito sa 30 araw na disinfection period maliban pa sa tatlong buwan na monitoring bago payagan kung maaari ng mag-alaga muli ng baboy ang mga residente sa lugar.