CEBU CITY – Kinumpirma ngayon ng Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) na naitala sa nabanggit na ospital ang ikatlong nagpositibong health worker sa coronavirus disease (COVID-19).
Hindi naman ibinunyag ni Dr. Gerardo Aquino Jr., medical chief ng VSMMC, kung ilang taon na ang doktorang nagpositibo ngunit naka-admit umano ito sa nasabing pagamutan.
Agad naman itong isinailalim sa 14-day quarantine upang maiwasan na makahawa pa ito sa iba pang kawani, at 31 na mga health workers na ang isinailalim sa swab test.
Ilalagay naman sa mga quarantine facilities tulad ng sa Bayanihan Field Center sa Sacred Heart School ang mga mild hanggang moderate na positibong kaso ng nasabing virus habang sa Barangay Isolation Centers naman ang mga nagpositibong asymptomatic o walang sintomas.
Sa VSMMC naman ilalagay ang mga severe at nasa kritikal na kondisyon.
Nakikiusap naman ang VSMMC sa publiko na iwasan ang pag discriminate sa mga healthcare workers dahil sila ang nangunguna na pagsugpo sa COVID-19.