-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pansamantalang itinigil ng isang pribadong kompanya sa Davao City ang kanilang operasyon matapos pumutok ang issue ng sinasabing investment scam na KAPA Community Ministry International Inc.

Inamin ni Rigen Marketing founder John Rigen na naglabas na rin ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng cease and desist order (CDO) laban sa kanilang kompanya.

Kung maaalala, ipinagutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensya ng gobyerno na ipatigil ang operasyon ng lahat ng pinaghihinalaang pyramiding investment scam na nag-aalok ng malaking interes.

Batay sa ulat, nitong Mayo nang ilabas ng SEC ang CDO sa Rigen matapos mabatos ituring na “fraudulent investment scheme” ng ahensya.

Nagmula sa Tagum City, Davao del Norte ang Rigen na nagkaroon na rin ng branches sa iba pang lalawigan sa Mindanao.

Sinasabing nag-aalok ito sa investors nito ng 400-percent na tubo sa loob ng 30-araw.