-- Advertisements --

ROXAS CITY – Arestado ang isang lalaki na akusado sa kasong syndicated estafa sa Brgy. Poblacion, President Roxas, Capiz.

Kinilala ang naaresto na si Lito Burias, 36-anyos, residente ng Sitio Arcabalo, Barangay Bolo, Roxas City.

Ang warrant of arrest ni Burias ang pinirmahan ni Judge Kristine Tiangco-Vinculado noong Agosto 28.

Nabatid na si Burias ay isa sa anim na mga indibidwal na nasa likod ng FOREX investment scam sa lalawigan ng Capiz.

Matatandaan na una nang nahuli ng mga otoridad ang binansagang FOREX investment scam queen na si Lourdes Baarde ng Barangay Baybay, Roxas City at Joel Domayan ng Quezon City.

Kabilang rin sa anim na indibidwal na akusado sa kasong Syndicated Estafa sina Rachel Chavez at Rebecca Venturado ng Mandaluyong City at Gerlinski Bravo ng Alcazar Subdivision, Roxas City.