KALIBO, Aklan – Sumuko ang isang nasentensiyahan ng murder na nakalaya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law sa isang police station sa Western Visayas.
Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Jo-em Malong, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO-6).
Ngunit tumanggi muna si Malong na pangalanan ang convict na sumuko.
Nakikipag-ugnayan na umano sila sa national headquarters upang malaman ang guidelines.
Sa kasalukuyan aniya ay ini-hold muna ang sumuko sa isang police station at isinailalim sa profiling.
Kaugnay nito, nananawagan si Malong sa iba pang nakalaya sa ilalim ng GCTA sa Western Visayas na sumuko na rin dahil mayroong dead or alive na pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga nakalayang convicts sakaling lumipas ang 15 araw na palugit.
Payo nito sa mga gustong sumuko, makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit nga police stations o military detachments.