Nasa 155 patients under investigation ng novel coronavirus (nCoV) sa Pilipinas ang mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of Health (DOH) dahil naka-pending pa ang resulta ng kanilang confirmatory testing.
Kabilang dito ang isang pasyenteng namatay kahapon dahil sa pneumonia at iba pang komplikasyon sa baga.
Kung maaalala, namatay ang isang 29-anyos na Chinese national bago pa man may makumpirmang kaso ng nCoV sa bansa.
Ayon sa DOH, namatay ang pasyente dahil sa iba’t-ibang sakit, gayundin na nag-negatibo sa nCoV sa samples nito.
Kaya ngayon, matindi ang panawagan ng DOH sa 9 na iba pang PUI na tumangging magpasailalim sa quarantine.
Sa kabuuan, 215 na ang naitalang PUI case ng DOH mula noong Enero. Kabilang na dito ang tatlong Chinese na nag-positibo kamakailan. Habang 57 ang negative.
Nakumpleto na raw ng Bureau of Quarantine ang contact tracing sa mga pasaherog nakasabay, pati na mga staff na nakasalamuha ng mag-nobyang Chinese na unang nCoV case sa bansa.
Tinatapos na lang ngayon ang tracing sa mga nakasalamuha naman ng matandang Chinese na ikatlong kaso sa bansa.