-- Advertisements --

Nahulog sa kamay ng Pulisya ang isa pang suspect sa pag-ambush kay Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong.

Ang operasyon ay isinagawa ng Philippine National Police’s Criminal Investigation and Detection Group.

Kinilala ang suspect na si Ameno Amatonding, 52 anyos at naaresto pasado alas 5 ng hapon sa Barangay Aguisan, Himamaylan, Negros Occidental.

Ang suspect ay positibong kinilala ng tumatayong witness batay na rin sa kanyang naging unang statement.

Kung maaalala, Pebrero ng nakaraang taon ng pagbabarilin ang sasakyan ng gobernador.

Nakaligtas mula sa ambush si Gov. Adiong ngunit hindi pinalad ang kayang apat na body guard.

Naihain na rin ng pulisya ang warrant of arrest para sa kasong 19 counts ng attempted Murder, four counts ng murder, at tatlong counts ng frustrated murder.