-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Isa ang patay habang dalawang iba pa ang sugatan matapos makuryente sa live wire mula sa nakalaylay na linya sa Sitio Taguan, Barangay Mabilo, Kalibo, Aklan.

Base sa report, habang naglalakad sa kalsada ang magkatrabaho na sina John Malic, residente ng Barangay Caano, Kalibo kasama sina Arnold Barrera at Rodolfo Santander, pawang residente ng naturang lugar nang biglang nilipad ng hangin ang t-shirt ni Santander at napunta sa linya ng kuryente dahilan ng kanyang pagkakuryente.

Agad itong tinulungan nina Malic at Barrera, subalit pati sila ay nadamay.

Napuruhan si Malic na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Naisugod pa ang tatlo sa Aklan Provincial Hospital, ngunit idineklarang dead on arrival si Malic.