-- Advertisements --

LAOAG CITY – Dead on arrival sa hospital ang driver ng kurong-kurong matapos makabanggaan ang isang motorsiklo sa Airport Road sa bahagi ng Brgy. 47 Bengcag sa lungsod ng Laoag.

Nakilala ang namatay na si Constantio Cajigal, 58, may asawa at residente sa Brgy. Zamboanga sa Laoag, habang sugatan naman ang driver ng motorsiklo na minaneho ni Jesus Gagarin, 19, at ang angkas nito na si Charles Ian Domingo, 17, parehong residente sa Brgy. 47 Bengcag sa nasabi ring siyudad.

Base sa imbestigasyon, pakanlurang bahagi ang kurong-kurong sa bahagi ng Cabeza Elementary School habang pasilangang bahagi naman ang motorsiklo.

Mag-left turn na sana ang motorsiklo sa barangay road nanng nangyari ang insidente.

Dahil dito, nagtamo ng malalang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ni Cajigal lalo na sa kanyang ulo na nagresulta ng kanyang pagkamatay habang na-fracture naman ang kaliwang kamay at kanang paa ni Gagarin at sugat naman sa katawan si Domingo.

Maliban dito, dahil sa lakas ng banggaan ng dalawang behikulo ay natanggal ang sidecar ng kurung-kurung.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nangyaring insidente.