-- Advertisements --

LAOAG CITY – Isa ang patay habang isa ang kritikal sa magkasunod na banggaan ng sasakyan sa Batac, Ilocos Norte.

Ayon kay PLt. Col. Adrian Gayuchan, hepe ng PNP-Batac na nangyari ang unang aksidente sa national road na bahagi ng Brgy. Bil-loca sa nasabing lungsod.

Sinabi nito na sa kanilang imbestigasyon, patungong silangang direksyon ang motorsiklo na sinakyan ng isang empleado ng Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center at backride nitong tubo ng Claveria, Cagayan.

Ayon sa hepe, habang binaybaybay ng motorsiklo ang kalsada ay lumipat ito sa kabilang linya kung saan nakasalubong nito ang tricycle.

Dahil dito, ipinaalam ni Gayuchan na dumiretso sa pavement ang motorsiklo at parehong nagtamo mga sugat sugat sa katayan ang mga sakay nito.

Agad na nadala sa ospital ang mga sakay nga motorsiklo kung saan kritikal ang driver at naging stable naman ang sitwayson ng backride nito.

Samantala, ipinaalam ni Gayuchan na dead on the spot ang isang rider matapos magtamo ng malalang sugat sa ulo dahil sa aksidente sa Brgy. Magnuang sa lungsod parin ng Batac.

Aniya, sa tangkang pag-overtake ng motorsiklo ang nag-left turn ang kasunod na kotse.

Kaugnay nito, sinabi ni Gayuchan na dahil sa malakas na impact ay tumilapon ang driver ng motorsiklo at siyang dahilan ng agaraan nitong pagkamatay.