Patay ang driver ng motorsiklo at sugatan ang backrider nito matapos na sumalpok sa isang Sports Utility Vehicle (SUV) sa Barangay Sarapan, Passi City.
Ang driver ng motorsiklo ay si Eddie Navigar, 24, residente ng nasabing barangay at ang back rider naman ay si James Palmes, 16, residente ng Barangay Bacuranan, Passi City.
Samantala ang ang driver ng SUV ay si Jason Pierre Laruscain, 37, residente ng Barangay Buri, Lambunao, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Lt.Col. Dennis Pamonag, hepe ng Passi City Police Station, sinabi nito na nag-overtake ang motorsiklo sa sinusundang SUV na biglang nag u-turn kung kaya’t namgyari ang aksidente.
Ayon kay Pamonag, hindi napansin ng driver ng SUV ang nakasunod na motorsiklo.
Dinala sa ospital ang mga biktima ngunit ideneklarang dead on arrival ang driver ng motorsiklo at nagtamo naman ng bali sa paa ang backrider na tumilapon at nahulog pa sa bangin.
Nasa kustodiya ng Passi City Police Station ang driver ng SUV at sasampahan ng kasong homicide at physical injury.