Isa patay, isa naman ang sugatan sa nangyaring pagbaliktad ng isang truck na may mga kargang construction materials sa bahagi ng Lumbog Imelda Zamboanga Sibugay.
Sa panayam ng Star FM Dipolog kay PCorporal. Gerald John Giner, Investigator ng Imelda Police Station agad umanong binawian ng buhay ang drayber ng truck na kinilalang si Lito Presno 45 anyos na taga Aluran, Misamis Occidental dahil na rin sa lubha ng sugat na tinamo nito.
Ayon kay PCorporal Giner, galing umanong Misamis Occidental at patungo ng Ipil Zamboanga Sibugay ang naturang sasakyan ngunit nagpagiwang – giwang ito habang binabaybay ang pakurbada at pababang bahagi ng daan bago ito tuluyang bumaliktad.
Sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakakinlanlan ng truckman na nagpapagaling na sa pagamutan matapos itong masugatan nang maipit sa truck.
Posible naman umanong dahil sa bigat ng karga ng sasakyan kaya ito aksidenteng bumaliktad.