-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patay ang isang lalaki matapos bumangga ang isang 10-wheeler wing van sa nakaparadang L-300 van sa Ramon, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PStaff Master Sgt. Ramon Ramones ng PNP Ramon, nakahinto sa gilid ng lansangan ang L-300 van nang paparating ang 10-wheeler wing van na minamaneho ni Rene Boy Pongoy ng Pulilan, Bulacan.

Ayon kay Pongoy, nakaidlip siya habang nagmamaneho kayat hindi napansin ang nakahintong L-300 van na tuluyan nitong nabangga.

Ang natutulog sa loob ng L-300 van na si Rolando Buaco ay nasawi matapos mabangga ng 10-wheeler wing van

Bumaliktad ang dalawang sasakyan at napunta sa sakahan.

Si Pongoy ay nasa pag-iingat ng Ramon Police Station at inihahanda na ang kaso laban sa kanya.